Wednesday, June 30, 2004

mismo...

Mismo

Para sa pakikinig ng aking mga suliranin..
Para sa pagtulong sa akin nung panahon ng kagipitan.
Para sa pag-akay sa akin nung kinailangan ko ng bumangon muli.
Para sa pag intindi sa akin sa aking mga karaingan.
Para sa pagtanggap sa akin ng buo.
Para sa pasensya at tiyaga.
Para sa paglibre mo sa akin sa bayad sa jeep.
Sa pambayad sa ticket sa sine.
Sa pag gawa mo ng assignments ko.
Sa mga pabor na hindi mo tinanggihan.
Sa paghatid sa akin dati araw-araw.
Sa libreng lunch.
Sa pasa-load.
At para sa pagmamahal na aking naramdaman
sa maikising panahong ating napagsamahan,
SALAMAT!!!

kaya ko na kahit wala ka

Kaya ko


Unti-unti na kong nagiging masaya...
Nagiging maayos sa bawat araw kahit wala ka...
Nagagawa ang bagay na walang inaasahan
Kundi ang sarili ko lang...

Malaking tulog din ang mga kaibigan ko..
Kahit mukha silang walang pakialam..
Laging silang handang sumaklolo..
Handang magpatawa sa oras ng kalungkutan..

Alam kong kahit kailan hindi kita malilimutan,
Pero dadating ang araw na kaya na kitang talikuran.
Yung makakaya ko ng sabihin sa 'yo na
"Pasensya ka na.. May mahal na kong iba..."

Monday, June 28, 2004

sagot sa tanong

Nakita kita kanina...
Nakasama ng ilang minuto...
Tahimik ka lang...
Nakita ko sa mga mata mo na abala ka sa dami ng kailangan mong gawin...
Kitang-kita rin ang lungkot...
Dahil kaya sa nangayari?
O dahil sa iba pang bagay na bumabagabag sa iyo?
Ilang beses kitang tinanong...
Mga tanong na noon lang ako naglakas loob na itanong sa 'yo...
Wala kang naisagot kundi "HINDI."
Mukhang malalim ang pagkakasabi mo...
Hindi ko tuloy alam kung mababaw na sagot lang ba iyon sa mga tanong ko o may mas malalim na nahulugan ang maiksing salitang iyon...
Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin ang lahat...
Sana dumating ang araw na may malinaw ka ng sagot sa mga tanong ko...

Saturday, June 26, 2004

iyakin...

Iyakin


Naiinis ako sa 'yo kasi napakamanhid mo!
Alam mo namang mahal na mahal kita...
Alam mong handa kong gawin lahat para sa 'yo.
Pero bakit iniwan mo pa rin ako?
Dahil ba hindi mo na ko mahal?
Nahihirapan ka nang pakisamahan ako?
Hindi na kaya ng oras mo?
May mahal ka ng iba?
Akala mo ba madali para sa akin na tanggapin ang isa sa mga yon?
Pwes, nagkakamali ka!
Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala ka na.
Akala mo lang siguro maayos na ko. Na masaya ako sa lagay ko ngayon pero sa loob ko, umiiyak pa rin ako na parang isang batang inagawan ng kendi. Yung tipo bang walang ibang pwedeng magpatahan kundi yung kendi na inagaw sa akin.
Mukha lang akong matapang pero iyakin ako... At lalo pa kong naging iyakin dahil sa iyo... Iyak na hindi lang makikita sa mga patak ng luha sa mga mata ko, pati na rin sa dugong umaagos sa puso ko...
Ngayon kailangan kong harapin ang bawat araw ng mag-isa...
Kailangang yakapin ang bawat umaga ng pagpapasalamat dahil kahit wala ka na, sisikat pa rin ang araw na magbibigay ng liwanag sa daang pinili kong tahakin... Sa daan na wala ka...

nag-uumpisa

First time ko na gumawa na ganito...
Hindi ko pa kabisado ang mga pasikot-sikot...
Hindi ko pa alam ang sasabihin...
Pero sa mga panahon na ito, masaya ako na may isang bagay na na maaaring makinig sa akin pag may gusto ako sabihin...
Hindi man palaging may sagot sa mga tanong ko, ang mahalaga ay handa itong makinig sa bawat salitang bibigkasin ko.
Tinatanong ko ngayon sa sarili ko kung may tao bang babasa ng mga ilalagay ko sa blog na ito? Sana naman kahit isa meron...