Saturday, June 26, 2004

nag-uumpisa

First time ko na gumawa na ganito...
Hindi ko pa kabisado ang mga pasikot-sikot...
Hindi ko pa alam ang sasabihin...
Pero sa mga panahon na ito, masaya ako na may isang bagay na na maaaring makinig sa akin pag may gusto ako sabihin...
Hindi man palaging may sagot sa mga tanong ko, ang mahalaga ay handa itong makinig sa bawat salitang bibigkasin ko.
Tinatanong ko ngayon sa sarili ko kung may tao bang babasa ng mga ilalagay ko sa blog na ito? Sana naman kahit isa meron...

1 Comments:

At 11:17 PM, Anonymous Anonymous said...

Ok yan!

Dapat mong ilabas ang iyong nararamdaman
Dapat mong isigaw ang iyong damdamin
Dapat mong ipakita na ikaw ay nasaktan
Dapat lumabas sa siping ito ang iyong naisin

Hanggang kailan ka nga ba iiyak?
Hanggang kailan ka nga ba titigil sa iyong pitak?
Hanggang kailan ka nga ba matatapos sa luhang pagpatak?
Hanggang kailan ka nga ba magpapagamot sa puso mong wasak?

Ang buhay ay may gabi at umaga
Ang buhay ay may hirap at ginhawa
Ang buhay ay may pighati at ligaya
Ang buhay ay sadyang makulay na bumubuo sa tinatahak na nararamdaman ng isang tao na gustong bumangon dahil sa determinasyon na binibigay ng mga taong nakapaligid na tunay na nagmamahal sa taong naniniwala na kailangan niyang mabuhay dahil sa di makasariling dahilan...

this is me,
mr.booter (hehehe)

 

Post a Comment

<< Home