Monday, January 16, 2006

Minsan nakakasawa na..
Nakakairita na..
Wala ka magawa kundi magtiis..
Umasa na balang araw magiging malaya ka.
Isang kalokohan nga sigurong magdusa ako sa bahay na 'to..
Pero anong pwede kong gawin?
Umalis?
Magsarili?
Hindi ko alam..
Hindi ako sigurado..
Isa akong taong maraming plano sa buhay pero dahil nakatali ako sa bahay na ito, halos lahat yun nananatili na lang mga pangarap.
Katangahan nga bang magpanggap akong masaya kasama sila?
Sila na nagsusustento sa pangangailangan ko?
Nagpapakain sa akin?
Nagpalaki sa akin?
Ewan ko..
Pero ang sabi ng lipunan, matuto daw akong gumalang.
Kagaguhan nga siguro na nilabas ko pa ang mga saloobin ko
tungkol sa mga taong kahit kailan ay hindi ko naman kayang kalabanin..
Dahil sa nagawa ko dati na nagbigay sa kanila ng karapatan ng itakwil ako bilang kadugo..
Dahil sa isang kamaliang nagbigay pahintulot sa kanila na ipamukha sa akin araw-araw na masuwerte ako't andito pa ko sa bahay kasama nila.
Simple lang naman ang hiling ko..
Sana dumating ulit ang araw na maramdaman kong mayroon akong pamilya..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home