Saturday, June 26, 2004

iyakin...

Iyakin


Naiinis ako sa 'yo kasi napakamanhid mo!
Alam mo namang mahal na mahal kita...
Alam mong handa kong gawin lahat para sa 'yo.
Pero bakit iniwan mo pa rin ako?
Dahil ba hindi mo na ko mahal?
Nahihirapan ka nang pakisamahan ako?
Hindi na kaya ng oras mo?
May mahal ka ng iba?
Akala mo ba madali para sa akin na tanggapin ang isa sa mga yon?
Pwes, nagkakamali ka!
Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala ka na.
Akala mo lang siguro maayos na ko. Na masaya ako sa lagay ko ngayon pero sa loob ko, umiiyak pa rin ako na parang isang batang inagawan ng kendi. Yung tipo bang walang ibang pwedeng magpatahan kundi yung kendi na inagaw sa akin.
Mukha lang akong matapang pero iyakin ako... At lalo pa kong naging iyakin dahil sa iyo... Iyak na hindi lang makikita sa mga patak ng luha sa mga mata ko, pati na rin sa dugong umaagos sa puso ko...
Ngayon kailangan kong harapin ang bawat araw ng mag-isa...
Kailangang yakapin ang bawat umaga ng pagpapasalamat dahil kahit wala ka na, sisikat pa rin ang araw na magbibigay ng liwanag sa daang pinili kong tahakin... Sa daan na wala ka...

1 Comments:

At 8:46 PM, Blogger Jay said...

hi! welcome to the blogworld! ok. I'll email you a template tapos pag-aralan mo yung mga nakalagay. hanap ka ng mgandang template na bagay sau. Sa http://blogskins.com. Nice naman netong nisulat mo.... -jay

 

Post a Comment

<< Home